ARALIN 2 : REPORMASYONG PROTESTANTE

Matapos ang basahin ang blog na ito, inaasahan na iyong: 1. Matatalakay ang dahilan ng pagtiwalag ni Martin Luther sa Rome; 2. Mababakas ang Digmaang Panrelihiyon sa Alemanya; at 3. Matutunton ang paglaganap ng Kilusang Protestante. Ang katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa kakristyanuhan mula ika-14 hanggang ika-17 na dantaon na humantong sa pagkakahati ng simbahang Kristyano. Dito nagsimula ang paghihiwaly ng mga Protestante sa simbahang Katoliko Romano, 13 gayunpaman hindi nagpabaya ang mga Katoliko Romano, sinimulan nila ang pagbabago sa sariling relihiyon nang hindi binabago ang kanilang doktrina. Isa sa pumuna sa simbahan ay isang Ingles na si John Wycliffe( 1320-84). Naging bahagi ng mga doktrina ng mga Protestante an...